Text

Cry

Oh Fate! I know you could make me the happiest person today!
But you are so mighty that you can do everything
And limit this happiness within me.

Quote
"This midnight, my heart dies."
Audio
[Flash 9 is required to listen to audio.]
Quote
"Maraming dahilan para hindi kita magustuhan, ngunit wala niisa sa mga ito ang dahilan upang hindi kita mahalin."

— Ako

Quote
"Eh ano naman ngayon kung gusto kita? May sarili kang puso, yan ang pakialaman mo, wag yung akin! Haha..” :P"

— Ako

Text

Gusto kita kahit…

Alam mo bang ang dami kong kinaiinisan sa iyo pero sa kabila ng mga ito hindi ko magawang magalit?! Sa halip, lalo kitang nagugustuhan…

Naiinis ako sa ugali mo, napakasungit mo sa akin. Oo, mabait ka sa iba, sa mga kaibigan mo. Tuwing kinakausap kita, padabog ka kung sumagot! nababastos din ako syempre. Sana naiisip mo din kuing alam mo talagang gusto kita eh masasaktan ako kapag gaganunin mo ako!

Naiinis ako kasi naninigarilyo ka. Sa totoo lang naiinis ako sa mga taong naninigarilyo. Pero dahil sa iyo, sige okay na lang.

Naiinis ako kasi ang barubal ng urban language na gamit mo. Oo, marahil hindi kasi ako sanay na makarinig ng ganun kasi taga probinsya ako pero naman… nakakastress marinig na lagi na lang fuckyeah lumalabas sa bibig mo! Ang nakakainis pa dito, nagagaya ko na ang mga salitang ito!

Naiinis ako tuwing sinasabi mong awesome ka. Kasi hindi eh. Nagfifeeling ka lang. Pagsinabi mong awesome ang isang tao, hindi iyon pagiging cool or pagtatry maging cool.

Naiinis ako kasi ang tamad tamad mo mag-aral. Hindi ka nagsisipag. Matalino ka naman. Magaling, sayang hindi mo nagamit ng maayos.

Naiinis ako kasi hindi ko magawang magalit sa iyo! at sa tuwing matutulog ako, ikaw pa din ang sinisigaw ng puso kong tanga!

Text

Gusto kita kasi…

Alam mo, hindi ko alam kung bakit gustong-gusto kita! Sa totoo lang ah.

Halos ng kaibigan ko sinasabi na ang pangit pangit mo, pero nacucute-an ako sa iyo. Lalo na kung hindi ka nakasalamin, kung hindi nakabagsak ang buhok mo, kung lagi kang nakangiti.

Tuwing tumitingin ka, parang gusto kong matunaw. Tuwing nakikita ko kasi ang mga bilog mong mata, parang hinihila ako nito. Parang may ibang taong nagtatago sa likod ng mga ito, isang taong iba sa nakikita ko.

At tuwing nakangiti ka, nakikita ko ang malalim mong baba. Lagi nga akong napapatingin dito eh. At ang ngiti mo, napakalaki nito. Haha! Nakakatuwa itong pagmasdan.

Ewan ko ba kung bakit ako lang nakakapansin ng mga iyan. Siguro ganito talaga kapag nagmamahal. Nakikita mo ang mga bagay na hindi nakikita ng iba. Kung may isang bagay na nagkasundo kami iyon ay ang pagiging matalino mo.

Hangang hanga sa iyo ako kasi wide reader ka. Gusto ko ng mga taong ganon dahil iyon ang isang bagay na hindi ko kinalakihan. Isa kasi akong out-going na tao. Masmahilig akong lumabas at mag-outdoor activities.

Alam mo, kahit hindi ka masipag sa Academics, nakikita pa din na matalino ka. Ang lalim mo nga mag-isip eh. Naniniwala nga ako magsmagaling ka sa akin eh. Isa rin siguro ito sa mga bagay na nagustuhan ko sa iyo. Alam kong magaling ka, naniniwala ako sa kakayahan mo.

Taga-hanga mo nga ako eh. Galingan mo lagi!

Text

Bagay Sila

Napaka-sweet talaga nang dati kong crush. Nabasa ko sa Facebook niya yung song na ginawa niya para sa kanyang girlfriend. Bihira na lang ang taong ganun kaya napakaswerte talaga ng babae.

Sa totoo lang, nalungkot ako nang nabasa ko iyon pero hindi dahil sa iba niya ito isinulat, o dahil naiinggit ako. Nalungkot ako kasi natanong ko ang sarili ko kung magkakaroon pa ba ng tao sa mundong ito na gagawa din ng ganoong kanta para sa akin. Baka wala na. Napakaswerte nung babae na iyon at minahal siya ng sobra sobra ng dating crush ko.

At ngayon, hindi ko na talaga siya gusto. Iba na ang gusto ko, isang taong hindi ko man lang nakakausap. Buti pa nga yang dati kong crush eh, mabait sa akin. Kinakausap ako kahit napakalandi na nang pakikitungo ko sa kanya. Sana maging sila na ng girlfriend niya habang buhay. Sumusuporta na ako sa relasyon nila, isang pagsasamang puno ng pag-ibig. Totoo nga bagay na bagay sila! Na-appreciate ko lalo ang taong ito dahil sa kanyang ka-sweetan pero masna-appreciate ko siya sa ka-sweetang ipinapakita niya sa kanyang girlfriend. Masaya ako para sa kanila at totally ko ng ginigive up ang pagkagusto ko sa kanya. Nananalangin ako sa Poong Maykapal na sana gabayaan sila at maging masaya sila habang buhay. =)

Ito pala yung lyrics nung kanta:

I wrote this song for you to know how much I truly love you
I wrote this song to tell you what I really feel about you
I wrote this song for you to see, all the joy you have given me…

Do you know it’s been quite a long time since I have felt this feeling
Do you know that I was lost before I met you, I was bleeding
Do you know how empty I felt inside?
Then you made them all subside…

You were the one who told me I was different
And was the one who taught me how to listen
You kissed all my worries away
That’s why I’m here to stay…
 
I’ll be your armor when you are feeling weak…
I’l be the angel that watches your sleep…
I won’t make promises to you I can’t keep…
‘Cause loving you is all that my heart can do….everytime it beats.

At first I was doubting you; I didn’t know if you were true
But then I realized that I was wrong and now I trust you
I never thought it would be this way
But please don’t let this end today….

- EJMA

Text

i WAS BORN TO FIGHT!

I must not give up.
I must stand.
I must shine!
Who said I can’t? I can and I will.